Sunday, February 21, 2010

Si Jacob. Si Esau. at ang Darating na Halalan.

Mayroon isang tagpo sa Biblia na tungkol sa pagbenta ng karapatan. Ito ang kuwento ng magkapatid na Esau at Jacob. Ayon sa kuwento na mababasa sa Genesis 25:29-34. gutom na gutom na si Esau at humingi ito ng pagkain kay Isaac. Ngunit sinabi ni Jacob sa kanyang kuya na ibenta sa kanya ang kanyang karapatan bilang panganay. Sinabi ni Esau. na gutom na gutom dahil galing sa pangangaso. na ano ang mapapala niya sa pagiging panganay gayong mamamatay rin siya. To end the story. ibinenta ni Esau kay Jacob ang kanyang karapatan sa pagkapanganay sa halaga ng isang pagkain.

Bakit ko ikinuwento sa inyo ito? Malaki ang kinalaman nito sa darating na eleksyon. Huwag nating ibenta ang ating karapatan sa pagpili ng tamang kandidato.Huwag nating gayahin ang ginawa ni Esau na ibinenta ang kanyang karapatan kapalit ng pagkain. Kung akala mo na matutugunan ng 500 na isinuhol sa iyo kapalit ng iyong sagradong karapatan. nagkakamali ka kaibigan. Mas lalo ka pang babaon sa utang at mas lalo ka pang mababaon sa mas mabigat na problema. Bumoto ayon sa kapangyarihan ng konsensiya at hindi sa kapangyarihan ng pera. Sa huli. ikaw rin ang lubos na makikinabang nang husto kung tamang kandidato ang ating iboboto.

No comments:

Post a Comment