Friday, February 26, 2010

"BENTE-BENTE"

Napabalitang namigay ng tig-bebente si presidentiable Manny Villar sa mga bata sa kanyang pangangampanya sa Batangas. Subalit sinabi ng COMELEC na ang ginawang ito ni Villar maaring ikunsiderang "vote-buying" ayon sa Omnibus Election Code. Ngunit ayon kay James Jimenez, tagapagsalita ng COMELEC na mahirap idetermina kung "vote-buying" ang ginawang Villar dahil mga bata ang binigyan ng pera at sila ay wala sa voting age. Ngunit sinabi niya na dahil puwedeng makaimpluwensiya ang mga bata sa kanilang mga magulang sa pagboto, maaari pang pumasok ito sa asunto.

Ang ginawang ito ni Manny Villar ay talagang tahasang paglabag sa Omnibus Election Code dahil ginamit ang mga bata upang impluwensiyahan ang kanilang mga magulang na iboto siya. Ngunit isa itong tawag-pansin sa COMELEC upang muling pag-aralan ang OEC at irepaso upang magkaroon ng ngipin laban sa mga bumibili ng boto. At pakiusap sa mga botante, huwag niyong ibenta ang karapatan mong pumili nang malaya at hindi naiimpluwensiyahan ng pera. Huwag mo itong ipagpalit sa maliit na halaga dahil mabilis din itong mawawala. At para kay Manny Villar, alam kong naaawa ka sa mga batang mahihirap ngunit meron tayong mga batas na dapat sundin tulad ng OEC at ang PD 1563 o ang Anti-Mendicancy Act na nagpaparusa sa mga nanlilimos at nagbibigay ng limos.

No comments:

Post a Comment