Sunday, February 14, 2010

PICK NICK !!!

After days of brainstorming(mga 3 days lang naman), I've come up with a campaign jingle for our "Real Green" presidential candidate Nicanor "Nick" Perlas. Masasabi kong hindi lang nakatuon lamang kay Nick ang kantang ito. Ipinapahiwatig ng kantang ito ang involvement ng bayan sa pagsulong at pagbabago ng Pilipinas at una itong magsisimula sa pagpili ng tamang kandidato na may matibay na track record at malinaw at detalyadong plataporma. Here is the lyrics of this song. Audio version to follow.

PICK NICK
(Komposisyon & arrangement ni Daniel Joseph T. Castro)

Verse 1:
Ang bayan ay sawa na sa mga trapo.
Mga pangakong napapako.
Ang bayan ay nagnanais ng pagbabagong.
Makabuluhan at totoo.
Kung sawang-sawa ka na sa mga trapo.
Dito ka sa tunay na alternatibo.
Bumoto para sa tunay na pagbabago.
Kaya kay Nick Perlas Tayo.

Chorus:
Tara let's pick Nick;Kay Nick tayo.
Pumili para sa tunay na pagbabago.
Pick Nick; Kay Nick tayo.
Dahil tayong lahat ang solusyon ngayon.

Verse 2:
Matibay na matibay ang track record niya.
Malinaw na malinaw pa ang plataporma.
Siya na ang hinihintay ng mamamayan.
Upang maging pangulo ng ating bayan.
May kaalaman sa kalikasan.
Kakayahang supilin ang katiwalian.
Ibabangon ang kultura ng bayan.
May matinding paninindigan.

(CHORUS)

Bridge:
Naniniwala siyang ikaw ay mahalaga.
Tulad ng mamahaling perlas.
Kaya't sumama ka na o kaibigan.
Dahil ang laban ni Nick ay laban mo;laban nating lahat.

(VERSE2)
(CHORUS 2x)

Fade:
Dahil tayong lahat,
Tayong lahat,
Tayong lahat ngayon !!!

Muli ang awit na ito ay inaalay ko sa Dakilang Maylikha at sa Bagong Pilipinas na ipinaglalaban natin.

1 comment:

  1. Can't wait for the audio version. Upload ko sya sa http://www.kaperlas.com ... maganda rin yung kantang Padayon kasi upbeat sya.

    Lahat naman nung nasa collection ng New Philippines Songs magagaganda eh.

    ReplyDelete