Tuesday, December 15, 2009

IBALIK SI NICK !!!( J.J.'s Official Statement On COMELEC's Exclusion Of Mr. Nicanor Perlas' Presidential Bid)

It used to be a blogpost about Pinoy mediocrity when I heard this shocking news.
Mr. Nicanor Perlas, the presidential candidate that I support (and we also) was excluded on the list of presidentiables OKed by COMELEC.

Well then, I'll offer this blogspace for the supporters of Mr. Perlas:

Mga Kababayan at Mga Ka-Perlas,

Ngayong Martes ay nagpalabas ng COMELEC ng partial list of presidentiables at wala sa listahang iyon ang ating ibinabandilang kandidato na si Mr. Nicanor Perlas. Sa pagkakataong ito, ay pinatunayan lamang ng COMELEC at ng iilang mga taong kumakapit sa tradisyunal na sistema ng pulitika na takot sila sa tunay na pagbabago na ipinapanukala ni Mr. Perlas. Natakot sila dahil alam nila na ang kanilang pag-hahari-harian ay malapit nang tuldukan ng taumbayan na gusto ng tunay na pagbabago.
Di ako makapaniwala na sa kabila ng kanyang malinis at matatag na track record sa gobyerno na naging pinaghirapan niyang ipinundar sa loob ng apat na dekada ay babalewalain ng COMELEC. Ito ba ang ganti nila sa tunay na pagbabago na gusto rin ng komisyon ? Baka gusto nilang basahin sa website ni Mr. Perlas para alamin ang kanyang track record at ng matauhan.
Ang tanging masasabi ko bilang isang taga-suporta ng isang kandidato na tunay ang kanyang adhikain ay nagpupuyos ang aking damdamin at nagagalit sa mga nangyayari. Ganoon pala ang qualifications ng COMELEC. Napakababa ng standard. Kaya pala low-class ang mga namumuno sa gobyerno.
Ngunit sa kabila ng mga pangyayaring ito, hindi ako nawawalan ng pag-asa ng makakasama pa rin siya sa hanay ng mga presidentiables. Sa ngayon, ayon sa pakikipag-usap ko kay Mr. David D' Angelo, ay may emergency meeting na isinasagawa ang kampo ni Mr. Perlas. Mayroon hanggang Lunes para umapela sa COMELEC at patunayan ang kanilang kaseryosohan.
Para sa ating lahat na sumusuporta sa tunay na makabuluhang pagbabago na ibinabandera ni Perlas sa kanyang kandidatura, huwag tayong panghinaan ng loob. Isa lamang itong pagsubok sa atin. Alam naman nating mangyayari ang mga ganitong aksyon mula sa mga pultiko na ayaw sa tunay at makabuluhang pagbabago. Ngunit tulad ng aking sinabi, HUWAG TAYONG PANGHIHINAAN NG LOOB ! Patuloy tayong lalaban para sa tunay at makabuluhang pagbabago. Patuloy nating babantayan ang kaganapang ito hanggang si Mr. Nicanor Perlas ay makasama sa listahan ng mga presidentiables at maihalal siya ng taumbayang naghahangad ng tunay at makabuluhang pagbabago.

PARA SA TUNAY AT MAKABULUHANG PAGBABAGO !!!
PARA SA BAGONG PULITIKA !!!
PARA SA BAGONG PILIPINAS !!!
IBALIK SI NICK !!!

No comments:

Post a Comment