Wednesday, January 20, 2010

Kabataan Para Sa Bagong Pulitika

"Ang kabataan ay pag-asa ng ating bayan."

Ito ang mga kataga ng ating Pambansang Bayani at ipinagmamalaki ng aming lalawigan na si Dr. Jose Rizal. Naniniwala siya na tayong mga kabataan ay may papel sa paghubog ng ating bansa. Nasabi niya ito sapagkat bilang isang kabataan, hindi siya natakot na hamunin ang sistemang kinagagalawan niya noon.Ang sistema ng korupsyon, ang sistema ng pang-aapi, ang sistema ng karahasan, at ang sistema ng kawalan ng pag-asa.
Sa kasalukuyang panahon, ito pa rin ang mga sistema bumabalot sa ating bansa. Sistema na unti-unting umaanay sa ating lipunan.

Bilang isang kabataan, oras na para itama ang mga kamaliang ginawa ng mga nauna sa atin. Oras para palitan ang lumang makina ng pulitika at ilagay bagong makina ng pulitika na nakasalig sa kakayahan at plataporma.

Ngayong darating na halalan, iboto ang kandidatong nagsusulong ng tunay at makabuluhang pagbabago, ay matibay at matatag na track record, at detalyadong plataporma.

Tayong lahat na mga kabataan ang magbabago ng Pilipinas !!!

"Magkakaroon ng rebolusyon. Simulan ko na kaya ngayon ?"
- Rebolusyon, Pan



1 comment:

  1. Pinapahalagahan ko ng lubos ang mga kabataan na may pagpapahalaga sa bayan at tamang pagboto.Naniniwala din ako na malaki ang papel ng mga kabataan sa paghubog ng ating bansa..Kaya hinihimok ko ang mga kabataan na pumili ng wasto..

    http://ramonguico.blogspot.com/

    ReplyDelete